UNTV CUP Season 6 Finals

UNTV CUP Season 6 Finals




Sa katatapos lang na UNTV CUP Season 6 Finals, masasabing isa nanaman ito na matagumpay na taon para sa TV network na UNTV. Sa ika-6 na taon ng UNTV Cup ang gantimpala na matatanggap ng kampeong koponan ay nagkakahalaga ng apat na milyong piso. Ang malaki sa bahagi nito ay mapupunta sa mga beneficiary na gusto nilang matulungan. Hindi ito isang liga ng basketball upang maghatid lamang ng kasiyahan, ngunit upang gumawa ng kawang-gawa at pagsamasamahin sa isang palatuntunan ang mga taong naglilingkod sa gobyerno at sa ating lipunan.


Ang konseptong ito ay nakapangyari dahil sa masidhing pagnanais ni Kuya Daniel Razon (Mr. Public Service) na makapaghatid ng serbisyo publico sa mga kapos-palad nating mga kababayan na nagaasam ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng ligang ito maipararamdam ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang pagtulong sa mga napili nilang beneficiaries. Sa pagtulong walang pinipiling tao ang dapat bigyan ng nararapat na tuwang at tulong.




Marso 12, 2018 sa ganap na ika-walo ng gabi ang pangalawang laro sa best-of-3 series ay ginanap sa Smart Araneta Colesium. Ang nag-aagawan sa kampeonato ay ang Senate Defenders at Malacañang Kamao. Sa unang laro ng Best-of-3 series namayagpag ang Senate Defenders na pinangungunahan ni Jeff Sander (dating PBA player). 

Dahil sa kagustuhan ng Senate Defenders na magkampeon ginawa nila ang lahat ng makakaya upang masungkit ang kampeopnato na kanilang magiging kaunaunahan sa liga. Pinangunahan nila Senator Joel Villanueva at Senator Sonny Angara ang atake ng Defenders samantalang naglaro at nagbuslo ng tatlong 3-point shots sa unang yugto si Secretary Bong Go ng Malacañang. Sa unang tatlong yugto ay nanatiling dikit ang laban. Sa pang-apat na yugto, nagsimula ng humiwalay ang kalamangan ng Defenders na umabot sa dalawampung puntos, kaya itinanghal na kampeon ang Senate Defenders sa score na 84-64. 






Bukod sa kampeon ang mga koponan ay tatanggap ng mga sumusunod na premyo;

CHAMPION               - 4 Million pesos
1st RUNNER UP       - 2 Million pesos
2nd RUNNER UP      - 1 Million pesos
3rd RUNNER UP       - 1/2 Million pesos
OTHER TEAMS         - 100 Thousand pesos

Ang parangal sa nagkampeon ay ginawa pagkatapos ng laro at nahirang na Final's MVP ay si Jeff Sanders ng Senate Defenders.

Ang nasabing gabi ng kampeonato ay dinaluhan ng mga Senador tulad nila Senator Bam Aquino, Senator Franklin Drilon at Senator Migs Zubiri. Sandali lang ang inilagi ni Senator Bam Aquino, datapwat sila Sen. Migz at Sen. Frank ay nagsalita at nagpasalamat pa sa lahat ng sumoporta pagkatapos ng laro. 






Ang liga ay pinamumunuan ni Commissioner Atoy Co na sikat na basketbolista sa PBA at ngayon ay isa sa mga alamat sa larong basketball. 

Sa pagbubukas ng palatuntunan, umawit ang mga kalahok sa Wishcovery Grand Finals at naghandog naman ng sayaw ang BMPI dancers. (kasama ang mga anak ni Kuya)

Sinimulan ang palatuntunan sa mensahe ni Kuya Daniel at mensahe ni Brother Eli Soriano. 

Dumating ang maraming tagahanga ng bawat koponan at nagbigay ng kanya-kanyang cheer para sa kanilang koponan. 

Maganda ang naging laro ng Malacañang sa mga unang yugto ng laban. Nariyan na lumamang pa sila ng walong puntos sa Defenders. Ngunit dajil sa foul trouble ng isa sa kanilang star player na si Luanson ay nahabol ng Defenders ang kalamangan at nagsimulang kuhanin ang laban. 

Simula sa puntong ito ay sisikapin namin na maihatid ang mga laban sa UNTV Cup Season 7. Loobin nawa ng Dios na mas makapaghatid pa ang ligang ito ng mas maraming kawang-gawa.

Salamat sa Dios sa kanyang kaloob na di masayod.











Add a Review?

Contact Form

Shipping & Returns