A CHRISTIAN LIFE

Wednesday, April 8, 2020

To Bro Eli Soriano Happy 73rd Birthday And 56th Year In Service To God And Humanity

 Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios ay bumabati ng maligayang ika-73 taong kaarawan at ika-56 na taon ng pagsisilbi sa Dios at sangkatauhan kay Brother Eliseo Soriano.

Ang tunay na mangangaral na isinugo ng Dios sa panahong ito. Ang kanyang mga turo ay naayon lamang sa Biblia.

Ang taong puro kabutihan ang itinuturo sa mga taong kanyang inaakay. Itinuturo niya ang paggawa ng mabuti sa lahat, hindi lang sa kasambahay sa pananampalataya kundi pati sa ibang tao lalo na sa mga kaaway.

Hindi niya iniisip ang kanyang kapakanan bagkus pinahahalagahan niya ang kaligtasan ng bawat kaluluwa kahit na ito pa ay mangahulugan ng kanyang buhay,

Ang aming hiling sa Dios na sana ay bigyan pa ng mahabang buhay ang kapatid na Eli upang marami pa ang kanyang maakay sa katotohanan.

Ginagawa niya ang lahat upang sa pamamagitan ng broadcast ay maiparating niya ang mensahe ng pagliligtas ng Panginoong HesuKristo sa buong mundo.

Nais niyang maitutro ang Biblia ng buo upang ang paglilingkod ng mga Kristiano ay malubos at maging kalugodlugod sa Dios.

Hindi niya alintana ang hirap, pagod at puyat magawa lang niya ang iniuutos ng Panginoong Hesus. Sa kanyang paggawa ng kanyang tungkulin marami ang nagagalit sa kanya ngunit ang lahat na ito ay hindi niya iniisip, magawa lang niya ang alam niyang naayon sa banal na kasulatan. Marami ang nagsasabi ng masama sa kanya. Marami ang naninira at gumagawa ng mga kathang kwento upang siya ay pasamain, ngunit ang kamay ng Dios ay gumagawa upang linisin ang kanyang pangalan.

Marami na siyang napagtagumpayan sa mundong ito. Marami na siyang natulungan at patuloy pa rin siyang nagsusumikap upang mahatiran ng tulong ang bawat taong nangangailangan.

Sa puso ng mga kaanib sa Iglesia ng Dios, siya ay walang katulad. Hindi kayang pantayan ang kanyang sakripisyo at hirap maitaguyod lamang ang gawaing ang Dios ang nagtalaga.

Salamat sa Dios dahil ibinigay ka Niya sa amin. Maligayang pagbati.




Share:

0 comments:

Post a Comment

Like Our FB Page